HomeAbout UsI can Serve, the BookResources and EducationProjects and ProgramsShopCounselingFinancial AssistanceVolunteerDonateCorporate Tie-upsSite Map
 


Baguio Cancer Chat 2007 Transcripts

Carpe Diem – Seize the Day!
By NORMAN SISON
Delivered at Cancer Chat in Baguio, 24 March 2007

I would like to thank you very much for inviting me to your special event and I want you to know I really appreciate it. I just hope I have the right words to say that will be of some help to all of you, especially to fellow husbands who are in the same boat with me. 

Before anything else, let me introduce myself. I’m Norman Sison. I’m 39 years old, turning 40 in August. I’m a writer and journalist by profession. Nagsimula akong magperiodista noong 1991. Ikanasal kami ni Carla noong August 1994. Dalawa ang anak namin. Lalaki, 12 years old; babae, 8 years old. 

Ako po ay isang ordinaryong tao lamang in spite of what you might think simply because I am a husband to a breast cancer survivor. True, I have to be strong for my wife and children. Dahil kung mawala ako, sino pa ang sasandalan nila? 

Sa totoo lang, nakasandal din ako sa asawa ko. Siya ang wind beneath my wings as the Bette Midler song goes. Ganyan naman talaga ang mag-asawa, umaakay sa bawat isa. May hihila kapag may nadapa. O tinutulungan ang isa’t isa makabangon kapag parehong nadapa. 

Habang isinusulat ko ang speech kong ito kahapon, there was one thing that I just realized: My wife and I have just hurdled the most trying time in our lives. Wow, nabuno namin ang tatlong taon na iyon. Posible pala. Mahirap, pero posible. 

Sa totoo lang, mas matibay ang loob ng asawa ko kaysa sa akin. 

For the past three years since that one evening in May 2004 when I discovered that my wife had a large lump in her left breast, pakiramdam ko’y ako’y nadapa at hindi makabangon. At tuwing nakakabangon ako, bagsak uli maya’t maya. 

Kung anu ano ang mga tumatakbo sa isip ko, araw araw. Paano na kami ng mga anak ko kung wala na siya? Aabot ba siya sa birthday ko? Sa birthday niya? Birthday ng mga bata? Sa Christmas? Mawawala ba siya ngayong taon? O sa susunod? Gaano katagal na lang ba ang nalalabing oras na magkasama kami? 

Nawalan ng kulay ang mundo. Parang nalimutan ko kung paano maging masaya. Parang parating pasan ang mundo sa aking mga balikat. 

At isa pa, periodista ako. Trabaho kong magtanong sa ibang tao at isulat ang kanilang mga kuwento. Hindi ako ang kuwento. Nakakapagpanibago talaga. 

Dahil sa breast cancer, ako ay naging bugnutin. Mainitin ang ulo. Impatient. Easily distracted. Forgetful. Sometimes naisip ko na mas madali pang mamatay. At dahil sa breast cancer, nagkaroon ako ng hypertension. May history ng heart attack sa father side ko, kaya’t baka medyo dehado ako. 

Ako ay ganyan…until a few weeks ago, when we went to St. Luke’s Medical Center for my wife’s annual PET scan. Talagang suspense, maganda ba o masama ang balita? Naangilan ko pa ang hospital personnel dahil sa bagal nilang ilabas ang resulta. Mabuti na lang it was worth the wait. Her last cancer lesion in her neck – if it was cancer at all – had retreated. 

And for the first time in three years, I feel alive again and back from the dead. Kaya’t ibang iba ang pakiramdam ko ngayon na ako ay nakakangiti sa inyong harapan habang ikinukwento ang nangyari sa aming buhay. 

Magaling na ba ang aking asawa? I wish I can say that. Alam natin na puwedeng bumalik ang cancer pagkatapos ng isang taon lamang. Pero masaya na ako, dahil alam kong aabot siya sa birthday ko, sa birthday niya, sa Christmas, sa birthday ng mga anak naming next year. Thank you, God, for the extra time. 


That is why I make it a point to live life to the full, one day at a time. Carpe diem ang personal motto ko. In Latin, it means “seize the day.” You will want to do that especially when you have a chance of getting a heart attack. At ang heart attack ay mas traidor kaysa sa cancer. At least sa cancer – kahit gaano mo pa siyang ayaw mangyari sa buhay mo – puwede ka pa makapagpaalam. 

Kung ganoon din lang, sige, tatanggapin ko na lang. Even though I have become irritable, impatient and quick to anger, breast cancer is teaching me the art of life. Sana nga lang, puwedeng matutunan ito na walang cancer. 

Kaya’t bilangin ang ating mga blessing at gamitin ng mabuti ang bawat segundo ng ating buhay. 

Mag good morning at good night sa inyong pamilya. Say “I love you” kahit once a day. Humawak sa kamay ng inyong asawa at mga anak kapag namamasyal. Mag-usap at kuwentuhan. Magtawanan. Try to have meals together at home.  

Kumustahin ang inyong mga kaibigan at iba pang mga tao na inyong pinahahalaghan o hindi gaano napapansin. Tumulong sa kapwa hanggang sa maaari, kahit mabisita man lang natin ang mga may sakit at pasiyahin sila. 

Marvel at the beauty of nature, the sunrise and the sunset. Pakinggan ang huni ng mga ibon. Tingnan ang mga bituin sa gabi. 

Think of the things that really matter to you, make them your priority. And forget those that don’t matter, such as stupid drivers on the road and bad news on TV. Hindi naman tayo mauubusan niyan kaya’t huwag na natin alalahanin ang mga iyan. In other words, think happy thoughts. 

We only get 24 hours a day. Once they’re gone, we can’t get them back. Time is not something like coins that we can deposit in a piggy bank and spend later. We can only waste time or use time. How we spend time is up to us. 

Kaya nga’t nakikita natin ang hustong halaga ng ating mga mahal sa buhay kapag sila’y wala na sa buhay natin. Huwag hintayin ang huling sandali. Ang pagsisisi ay parating nasa huli. 

Maraming salamat po sa pagkakataon ng ibinigay ninyo sa akin na magsalita sa inyo. Sana po ako ay may naibigay na kaisipang maaalala ninyo kahit paano sa inyong pamumuhay.